Paano maging minimalist? Natalakay natin sa “ano ang minimalism” ang halaga ng minimalist lifestyle para mas mapalago ang ating buhay. Ang pagiging minimalist ay hindi biglaan, hindi ka basta magigising na lang at sabihing isa kang minimalist. Ang pagiging minimalist ay dahan-dahan. Tandaan na maaari kang mabigo paminsan minsan pero hindi ibig sabihin na ikaw ay susuko na. Maging ako ay bumabalik minsan sa dati kong gawain pero nananatili kong binabalikan ang minimalism. Ang pagpalit ng lifestyle ay hindi madali dahil hindi madaling palitan ang nakasanayan mo. Kung nais mong maging minimalist,magsimula sa pisikal na bagay sa iyong paligid: ang iyong bahay, kabinet, wardrobe, at kung anu-ano pang gamit:
Paano maging minimalist
Paano maging minimalist – Huwag mag multi-tasking
Huwag gumawa ng mga gawain ng sabay-sabay. Ang pagmulti-task ay isang dahilan ng stress at hindi pulidong trabaho. Simulang mag single task o yung paggawa ng isang bagay lamang. Kapag iisa lang ang ginagawa mo makakafocus ka ng mas mabuti at magiging mas maganda ang output mo. Sa ingles, ikaw ay magiging productive. Ang halimbawa ng single tasking ay ang pagkain, kung kumakain ka ay iwasan ang pagtratrabaho habang kumakain. Lasapin ang pagkain at umiwas sa distraction. Isa pang halimbawa ay ang pag-iwas sa tsismis habang nagtratrabaho, kung trabaho ay trabaho lamang. Pag ganito mas marami kang matatapos.
Isa sa sinusulong ng minimalism ay ang single task system kung saan isang gawain lamang at doon ang focus. Halimbawa, kung ako ay gumagawa ng article ay yun lamang ang gagawin ko, hindi ko iisipin ang paglalaba, pag-aayos ng bahay o kung ano pang ibang gawain. Mahirap ang single tasking dahil madali kang madi-distract ng mga bagay na nais mong gawin. Heto ang ilang tips para mag single task:
- Gumawa ng to do list araw-araw.
- Ihiwalay ang Most Important Task (MIT) at Side task (Side Quest), unahin ang MIT o yung mga bagay na importante, ang SQ ay gawin kapag tapos na ang MIT. Ang halimbawa ng SQ ay mga gawaing bahay. Mas maganda ring ibase ang MIT sa goals na iyong nilaan para sa sarili (see goal setting).
- Gumamit ng Pomodoro Time – Ang pomodoro time ay ang 25 minutes work, 5 minutes break, 25 mintues work, 5 minuts break, 25 minutes work, 15 minutes break. Ganito ang cycle hanggang matapos ang iyong 1 task. Halimbawa, nais mo na magresearch tungkol sa nais mo na business iset ang timer mo ng 25 minutes para sa research, ang 5 minutes break mo ay gamitin para sa mga bagay na iniisip mong gawin tulad ng pag ayos ng lamesa o pagresearch ng isa pang bagay na gumugulo sa iyo.
- Iaaply ang internet and social detox.
Leave a Reply