Paano magdahan-dahan sa buhay. Isa sa magandang payo ng minimalism ay ang hindi pagmamadali sa buhay. Ang paano maging minimalist 3 ay tumutukoy sa pagslow down ng pamumuhay. Marami sa atin ay laging nagmamadali, sa pila, sa traffic, at sa iba pang bagay. Madalas ay nagagalit tayo habang naghihintay hindi dahil nagmamadali tayo kundi dahil naiinip lang tayo.Pero ang tanong, bakit ba tayo nagmamadali? Ang mga paraan ay ilan lamang sa mga paraan kung Paano magdahan-dahan sa buhay.
Noong isang araw ay pumunta ako sa bangko (BPI), medjo maraming naghihintay dahil konti lang ang crew ng bangko. Merong dalawa na nauna sa akin na walang ginawa kundi magreklamo na napakatagal daw nilang naghihintay, na anong klaseng costumer service daw ang meron sa bangko. Hindi na siya tumahimik, reklamo ng reklamo. Ang iniisip ko, ano ba ang gagawin niya kung hindi siya naghihintay sa bangko? Tama bang isama niya sa galit niya ang mga tao sa paligid niya? Pati mga crew ay nagagalit na rin. Aminin natin, marami sa atin ang katulad ng taong yun -puro reklamo. Pero naisip na ba natin kung ano ang gagawin natin kung hindi tayo naghihintay sa isang lugar? Kung ako ang tatanungin, ano ba ang gagawin ko kung hindi ako naghihintay – malamang nanonood ng TV o natutulog sa bahay. Ang mga sumusunod ay ilang tips kung paano magdahan-dahan sa buhay.
Para mabawasan ang pagkainip at pagrereklamo sa pila, heto ang ilang tips para maiwasan ang sitwasyon kung saan kagagalitan ka ng ibang tao dahil sa pagkainip mo.
Paano magdahan-dahan sa buhay
1. Mag schedule ng “errand” day – Hangga’t maaari ay magtakda ng partikular na araw kung kelan mo gagawin ang mga errand mo tulad ng pagpunta sa bangko, pag grocery para sa buong linggong supply, pagbayad ng bill. Huwag isasama ang pamamasyal kasama ng pamilya mo sa paggawa ng errand dahil asahan mo na mahaba ang pila.
2. Tandaan na may pila sa lahat ng lugar – Kahit nasa “instant” na generation tayo, hindi pa rin mawawala ahg pila. Kaya pag may gagawin ka o pupuntahan i-expect mongmay pila sa pupuntahan mo.
3. Magdala ng libangan – Ang libangan ay maaaring libro, tablet, o notebook at ballpen. Sa madaling salita maging busy habang naghihintay. Laging magdala ng ballpen at papel para gamitin ang oras ng paghihintay para magplano ng activities o magsulat ng article. Habang naghihintay sa BPI ay naisulat ko ang article na ito. Maaaring makinig sa music o maglaro ng games o magbasa ng libro. Kung ayaw mo ng ganun ay isulat na lamang ang nararamdaman mo sa panahon na iyon o isulat ang naobserbahan mong mga bagay habang naghihintay.
4. Laging maaaga– Kung may appointment ka sa dalawang lugar, siguraduhing agahan mo dahil laging mahaba ang pila sa offices, food chain, jeep, at bangko. Kung wala ka namang ibang libangan, hindi mo kailangang magmadali at ieenjoy na lamang ang sitwasyon.
Ano ang mga ginagawa mong libangan habang naghihintay? Icomment sa blog na ito.
Leave a Reply