• Skip to primary navigation
  • Skip to main content
  • Skip to footer

Ikigai Simplicity

Minimalism and Zen Life.

  • Laws and Public Service
  • BLOG
    • Minimalism For Filipinos
    • Public Service

Bakit kailangang mag-ipon habang maaga?

Home » Blog » Bakit kailangang mag-ipon habang maaga?

FINANCIAL LITERACY 101 · April 2, 2016

Bakit kailangang mag-ipon habang maaga? Ang sagot ng katanungan na iyan ay makikta sa true story na ito:

Ang kapitbahay ko na si Antie Lydia: 

Bata pa lamang ako ay kilala ko na siya, hindi pa siya matanda pero puti ang buhok niya may lahi kasi siyang foreigner. NAaalala ko na gustong gusto ko na pumupunta sa bahay nila dahil maganda ang bahay niya at kaaya aya ang kanyang hardin. Nakarobe siya palagi ng mukhang mamahaling damit at may mamahaling sigarilyo. Noong bata nga ako e gusto ko na tumira sa bahay niya lalo na noong natamaan ng landslide ang bahay namin at doon kami nakitira ng ilang araw hanggang maayos ang daan papunta sa amin. MAyaman siya, pinag-aral niya ang pamangkin niya at kamag-anak niya. Subalit ngayon, nakakaawa siya dahil wala na siyang pera. Sa kahoy na siya nagluluto ng pangkape niya at wala pa siyang mailutong bigas. Ang dating magara at mukhang donya na kapitbahay namin ay para ng pulubi. Wala ni isa sa amangkin niya ang dumadalaw o tumutulung a kanya. Kami na lamang magkakapatid ang nagbibigay ng bigay at pagkain sa kanya kada buwan.

Bakit kailangang mag-ipon habang maaga?

Marami sa mga OFW ay maaaring maging katulad ng aming kapitbahay. Hindi nakapag-asawa at tinalikuran ng kapamilya dahil sila din ay walang pera. Huwag kang pumayag na maging ganito. Ngayon pa lamang ay mag-ipon ka na para sa sarili mo, gumawa na ng hakbang para maabot ang pangarap mo, at magsimula ng mag- invest sa mga bonds at stocks. Maaaring isipin mo na hindi ito gagawin ng pamilya mo, kaso hindi mo alam ang kinabukasan maaaring hindi ka tatalikuran ng kapatid mo pero tatalikuran ka ng mga pamangkin mo.

Mahalaga na habang maaaga pa ay mag-ipon ka na para sa retirement mo. Mss makakabubuti kung magsimula sa mga insurance with investments at iba pang investment. (see investment para sa OFW). Unahin muna natin ang “PAANO”, paano ka makakaipon ng pang invest mo. Kung mas maaaga ko sanang natutunan ang passive investment ay mas maaaga ko na natulungan ang ate ko na OFW. Pero hindi pa naman huli ang lahat, ngayon ay may mga investments na siya sa BPI at BDO at madagdagan pa sa tulong ko. Ikaw din, maaari kang magsimula ng investment mo. 

Paano nga ba ito makakamit, isa lamang ang alam ko na epektibong paraan para makamit ang mga ito, ang pagpalit ng lifestyle mo.

Share this:

  • Click to share on Facebook (Opens in new window) Facebook
  • Click to share on Pocket (Opens in new window) Pocket
  • Click to email a link to a friend (Opens in new window) Email
  • Click to share on X (Opens in new window) X

Like this:

Like Loading...

Related

Filed Under: FINANCIAL LITERACY 101

Previous Post: « Dapat Malaman bago Mag-Apply ng Post-Paid Plan
Next Post: Paano makakaipon ng malaki mula sa maliit na suweldo »

Reader Interactions

Leave a ReplyCancel reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Footer

Search my Website

Privacy Policy

Archives

Subscribe to Blog via Email

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 212 other subscribers

Copyright © 2025 · Showcase Pro on Genesis Framework · WordPress · Log in

%d