Ano ang minimalism na lifestyle? Ang minimalism ay isang lifestyle kung saan ang mga bagay na sa paligid mo iyo ay mga bagay na kailangan mo at magpapasaya sa iyo. Ang konsepto nito ay pag-alis ng mga bagay na nagpapastress sa iyo, nagpapalungkot sa buhay mo, at mga unnecessary things na hindi nakakadagdag sa kagandahan ng buhay mo. Alamin din ang mga maling akala tungkol sa minimalism.
Ano ang Minimalism at Bakit mo ito kailangan?
Nasabi ko na na ang minimalism ay ang pagbawas ng mga toxic sa iyong buhay para magkaroon ng space para sa mga valueable na bagay. Bakit kailangan mo ng minimalist na buhay o nbakit kailangan mo itong malaman? Malaki ang maitutulong ng minimalist lifestyle sa mga Pilipino lalo na sa mga OFW at employees na gustong guminhawa ang buhay. Isa sa mga bagay na toxic sa ating buhay ay ang problema natin sa pera. Madalas ay maraming Pilipino ang nangungutang sa co-employees, minsan kahit OFW ay nangungutang pa rin. Madami ding OFW ang walang ipon kahit malaki ang suweldo. Maraming mga empleyado din ang maraming utang sa kapwa co-employee. Minsan kahit supervisor ay nangungutang sa mas mababang employee. Ang isa sa napakalakingdahilan nito ay ang ating lifestyle. Ang pangunahing salarin kung bakit kapos tayo sa pera ay ang ating paraan ng pamumuhay.
Ang minimalism ay makatutulong sa atin sa pamamagitan ng pag-alis ng mga bagay na hindi natin kailangan. Ang minimalism ay applicable hindi lamang para sa ayos ng bahay kundi pati rin sa buhay. Aalisin natin ang mga bagay na nagpapalungkot sa atin at humahadlang sa ating pangarap. Ang oras natin ay maifofocus sa self improvement at productivity. Magiging mas rewarding ang buhay natin at mas clear ang ating buhay.
Paano makatutulong ang minimalism sa pag-improve ng buhay mo?
Ano ang minimalism at paano nito pagagandahin ang buhay mo. Una ang minimalism ay nakakatutulong para bawasan ang hilig mo sa pagbili ng mga bagay na hindi mo talaga kailangan. Marami sa atin ang bili ng bili ng mga gamit pero hindi naman talaga natin ito kailangan. Sa pag gamit ng minimalism ay bibilhin lamang natin ang bagay na kailangan at ginagamit natin. Hindi na tayo gagastos para sa bagay na hindi nagdadagdag ng kaligayahan sa ating buhay.
Mas kaya nating abutin ang ating goals sa buhay. Sa pamamagitan ng minimalist approach ay makakaya nating i-improve ang sarili natin na hindi kinakailangang maging stressful. Ang minimalist ay naniniwala sa paggawa ng habit imbes na paggawa ng routine. Kung nais mong mapaganda ang buhay mo mas pag-aralan ang minimalism.
Core teachings ng minimalism
- Less is more –
- Itago lamang ang mga bagay na ginagamit mo at kailangan mo.
- Eating – bawasan ang pagkain ng pagkain na hindi nagdadagdag ng sustansiya. Kung hindi ito mapigilan ay gawing minimal ang pagkain.
- Eat slowly – sa pagkain ng mabagal ay mas malalasaan mo ang pagkain.
- Omit needless activity – Bawasan ang mga gawain mo, make everything you do count. Tingnan mo ang ga activities na ginagawa mo sa buhay, nakakatulong ba lahat ito sa iyo. May mga gawain ka ba na hindi naman kailangan at hindi rin naman nagpapagaan sa buhay mo.
- Goal setting – focus on less. Magset ng maximum na 3 goals at ifocus dito ang enerhiya mo. Basahin ang goal setting sa minimalist na paraan.
- Changing your lifestyle is not easy. Do it one step at a time. Do not give up. Sabi nga nila the journey is the reward, ibig sabihin huwag kang magfocus sa hinaharap kundi ienjoy mo ang mga sandaling ginagawa mo para makamit ang pangarap mo. Basahin ang 3 tips para hindi umayaw sa pagkamit ng pangarap mo.
Leave a Reply